That’s life! Hulyo 9, 2009
Posted by dhyoy in Buhay, Byahe, Kayamanan, Life goes on..., pangaraw-araw.Tags: 9 days to go, aja!, alaala, balik tanaw, birthday, hay buhay, inlab, kilig, My Life so Far
trackback
First time kung nahiwalay sa pamilya ko nang mapagpasiyahan kong mag-aral sa Baguio. Gusto ko kasi maexperience yung mejo malaya. Excited na kinakabahan na parang natatae ang pakiramdam. Syempre hindi ako pamilyar sa lugar, at konti lang ang aking kakilala. Hindi ko alam kung sino ang mga kalaban.
Dapat alerto lang. Bagong skul, bagong klasmeyts, bagong mga kasabwat at bagong kapaligiran. Panibagong adjustment at kailangan ng super powers sa pakikisama. Sa una mahirap sumabay dahil iba ang nakasanayan mong tyempo,hindi ko alam ang steps… pero di nagtagal nakuha ko din ang tyempo at nakipagsabayan na rin ako.
I’ve learned that life is like a dance, you learn as you go. -Age 17
Kokonti lang ang nakakaalam ng araw ng birthday ko. Hindi ko talaga pinapaalam hindi dahil ayaw kong magblowout! Hindi ko alam bakit pero nahihiya ako kapag binabati ako nang happy birthday. Wak mo nang ipahexpleyn sa akin dahil hindi ko rin mahexpleyn. 18th Birthday ko yun, at ni isa sa mga barkada ko wala akong sinabihan. Hindi ko pinaalam sa kanila. Walang naganap na debut party dahil hindi kami mayaman. Hmmmkei. Para sa akin isang ordinaryong araw lang yun. Pero hindi pala. Ang hindi ko alam, alam pala nila. Nilinlang nila ako.Pagdating ko sa skul, ang laking banner ang nakabalandra sa may pintuan at ipanangalandakang BDAY KO! Kamusta naman! Binilhan din nila ako nang isang buoquet na flowers na hiyang-hiya akong dalhin isama pa ang giant card na mas malaki pa bag ko! Nagambag-ambag sila para makpag-organize sila ng small party sa boarding house. First time kong magkaroon ng cake sa tanang buhay ko. Natats ako sobra.
I’ve learned that life is good when you have good friends.-Age 18
Valentines day, may karas akong instraktor. Uso sa amin yung bibili ka sa booth ng flowers or baloons tapos free delivery sa classroom. Hmmm binilhan ko ng isang long stem red rose ang instructor ko at pinadeliver sa oras ng klase namin. Syempre hindi ko pinaalam na sa akin galing.May quiz kami non kaya lihim ko siyang sinusulyapan. Nakita ko nagblush siya, lalo siyang naging cute. Ang ganda na kanyang ngiti hanggang tenga. Nakita ko napatingin pa siya sa akin. Parang alam niyang sumusulyap ako sa kanya. Hindi ko maexplain kung ano nararamdaman niya ng mga oras na yun pero ako alam ko kinikilig ako. Haha! Lingid sa aking kaalaman binuko na pala ako classmate ko. Tinimbrihan na pala ang loko. Ayun biglang may kumatok sa pinto, limang lalaki ang pumasok… tinawag ang pangalan ko… singing telegram daw! Pambihira puwesto pa sila sa harap ko sabay banat ng “You are so beutiful to me… di ko na maalala ang kasunod. Hindi ko alam ang gagawin ko that time. Gusto ko magdisappear. Tapos lumapit siya sa akin at nagthank you.
I’ve learned that life is full of surprises.Enjoy it! Savor it! Love it!-Age 19
Nahirapan ako sa isang subject ko non. Auditing, sabi ko kahit 75 lang ok na, maipasa lang. Ang baba kasi nang prelim grade ko so kailangan kong makabawi ng midterms at finals. Nag-aaral naman ako eh. Talagang nahirapan lang ako. Ewan ko ba sa mga gumawa ng mga auditing problems na yun at umaatikabong adjusting entries ang kailangan dahil ang daming mali sa financial statement. Kung ako ang may ari nung kumpanya, sesesantihin ko ora mismo yung accountant! Haizzz. sa tingin ko ginawa ko ang best ko. Kaso my best is not good enough sabi nga ni James Ingram. I failed that subject kaya kinailangan kong mag summer. Matagal kong iniyakan yun. Kasi alam ko kung gaano kahirap ang trabaho ng tatay ko mapag-aral lang kami tapos babagsak lang ako. Dapat kasi nag AIM ako nang mas mataas. Dapat 95 ang tinarget kong grade para kung kumulang, pasado pa din ako. Hindi dapat 75 kasi nung kumulang bumagsak ako!
I’ve learned that life gives challenges,disappoinments and changes and it is up to you to accept them. -Age 20



















parang chronicles of narnia…anyways…i am strictly following your life story…kaka…..
haha! chronicles of narnia? hmmm…. hindi ko sila maconnect
kaka?
kakatawa?!!!
bwahahaha!
ang layo naman ng pinasukan mo hehe.pero ako din sanay sa malayo sa aming bahay,mas gusto ko yun hehe
yeah… minsan lang kasi malayo kaya sinamantala ko, tlgang yung mahirap puntahan… hihi!
Humayo ka, at sakupin ang buong Pilipinas.
Naku ang opisina namin nag-assume ng b-day ko. Nakakatats talaga kapag first time.:)
Asteeg ka! Haba ng hair mo, hanggang edsa. Nasa baguio ka pa nun.
Ganun talaga sa skul. Ako nga nalusaw ang utak ko. haha.
hehe… kakalusaw nga ng utak so much!
hindi lang Pilipinas gusto sakupin kapatid…
hehe
I have visualized your situation with your secretive emotional functions towards your instructor. That was so damn romantic of you ate Joyo.
i also remembered my butchery-like subject (accounting) wherein I was forced to submit my soul lying on the chair for about 3 hours straight! Imagine that, and we have only given a 10 minutes break.
teka. hinga muna ko hehehhe
wowowowo
joyo is full of surprises.
hmmm…. english yun ha… anyway ganyan tlga si ate joyo mo… minsan lumalandi hahaha! jowknezz…. natutuwa lang ako don sa instructor ko kasi walang gf, nakakapagtaka eh may itsura naman…
wa ako masabi!
nakakatuwa naman yung at age of 19.. ikaw pa ang gumawa ng first step at pagakatapos at singing telegram na.. ang cute naman.
kamusta na siya?
ayun wala pa ding gf… kami ata para sa isa’t-isa hahaha! mangarap ka joyo!
hehe… oo singing telegram na sobrang nakakahiya….
waw. ikaw talaga ang gumawa ng first move para mapansin nung prof. nyo. sa amin kasi puro gurang not to mention SOOO serious ang mga profs kaya ayun.
pareho tayo, nung nag-college ako i felt that i become more mature and independent. yun talaga ng nagagawa pag malayo sa pamilya.
astig ka talaga ate dhyoy!
hehe… minsan lang sa buhay yun dapat nag-eenjoy ka diba? hehe…. sinaniban lang ako nang kalandian non… pag naalala ko nga natatawa ako. Anyway dahil don naging close kami ni Sir.. o diba minsan nakakachat ko pa…
wow. bilib na talaga ako.
hahaha nakakatawa naman tong mga ekpersyenz… life is good! talaga kaya eenjoy..
tama nga ang sabi kilangan mo ring lumandi di lang ikaw ang lalandiin wahahahha..
lol na lol…
Ingats
Bai
hihi.. korek ka jan! haha!
see yah around
stat ng contest ay nakapost na, tingnan mo kung anong place ka na
eh yung dati pa yun eh…
waahoo! ganyan ngayon ang moda ng buhay ko ngayon. nag-aaral din ako sa baguio sa ngayon.. ano ba iskul mo ate? wat course? hakhak!
anyway, nag-aral ako ng baguio dahil na rin sa ilang mga rason mo. at nung 18th bday ko, ayun okay lang kasama ko naman mga close friends ko. masaya na rin.
hakhak! ganyan din sa amin pag balentayms ah… hakhak!
SLU ATA EH! HAKHAK!
yep SLU nga ikaw? hihi parang ngaun ka lang ulit naligaw dito ah… mukhang bc-bchan ka sa skul…
dun sa mga pinaka maliliit na bagay sa buhay na hindi napapansin ay hindi natin alam yun pala ang may pinaka importanteng dalang aral para sa buhay.
yeah tama ka jan dencio… salamat sa pagbisita..
so kelan ba ang berdey mo?
sabihin mo para makapaghanda kami ng malaking banner at bouquet ng flowers..hehe
nice thoughts and realizations. :p
haha secret walang clue…
)
hello! sorry ngayon lang ako nakadalaw! hehe.
kuya ko rin sa baguio nag-aral. sa SLU.ang dami mong natutunan. isa lang sa bawat taon? yay. biro lang. hehe. alam ko serious yung post, sorry, nag jo joke pa ako. hehe.
at nabasa ko sa comment na sa SLU ka rin. hehe.
grabe ang experience mo! ang daming nangyari. kudos sa iyo!
ok lng yun… malakas ka sa akin eh hehehe…. uhmmm di naman seryoso yan akala mo lang… hahaha!
reminiscing the past ka ah anyway
what’s with the tag ‘9 days to go’ …you mean 1 week more and its your birthday?
hmmmm…. parang ikaw lang nakapansin nyan… hehe anyway sikretong malupit
actually nakita ko rin yan sa baba yung ‘9 days to go’ ssssssh bulong mo na dali, ano?