8-9-10 Hulyo 2, 2009
Posted by dhyoy in Acceptance, Buhay, Hold ME TIGHT, Kayamanan, Life goes on..., Lord, Prayer, Wala lang, muni-muni, pangaraw-araw.Tags: 10, 8, 9, childhood, joyo, memories, My Life so Far
trackback
Hindi ako palasimba, minsan nasabi ko na yun sa isang post ko dito. Pakiramdam ko kasi kapag nagpupunta ako sa simbahan eh mas nagkakasala ako. Pero ganunpaman may takot ako sa Kanya. At lagi akong nagdadasal. Pag-gising sa umaga: “Papa God- sana po absent si Mam.Amen” Sa math subject: “Papa God sana hindi po ako matawag para magrecite ng multiplication table.Amen” Kapag recess: “Papa God, sana po spaghetti ang luto sa canteen.Amen”. Sa classroom: “Papa God, sana po uwian na.Amen.” Kapag inuutusan ako ni mama sa tindahan: “Papa God, sana po hindi ako mahabol ng aso today. Amen.” Kapag nakakita ako nang namamalimos: “Papa God, sana po maawa si mama.Amen”.Bago matulog: “Papa God, bukas ulit. Amen”. Sabi nga nila minsan hindi lahat nang pinagdarasal natin ay ibinibigay Niya. May mga pagkakataong humihindi Siya hindi dahil sa ayaw niya kundi may mas maganda siyang ilalaan para sayo. Kaya ayun minsan napagdidiskitahan ako ng badtrip na aso! Kailangan ko din kasi ng konting exrecise. Kailangan atulin atakbo!
I’ve learned that evryone can use a prayer.-Age 8
Isang araw bigla nagpasya si Mama at papa na huwag muna kami pumasok sa skul. Mag-absent daw muna kami ng mga ilang araw. Hindi ko na matandaan kung anong araw yun, pero alam ko sa buwan ng Setyembre yun. Nagtaka ako pero wala naman akong magagawa dahil sila na nagdesisyon. Dapat masaya ako kasi sa totoo lang ayaw kong pumasok sa skul. Nitatamad ako lage. Pero hindi ko alam bakit parang hindi ako masaya that time. Uuwi daw kami ng Bulacan. Sa bahay nila Papa ko. Naalala ko nanghiram pa ng sasakyan si Papa ko non sa tatay ng classmate ko para mas mabilis kaming makarating don. Gabi kami umalis non, hindi ko na maalala kung anong oras. Pagdating namin sa bahay nila papa, ang daming tao. Pero tahimik, nakakapagtaka. Sa tuwing umuuwi kami sa bahay nila Papa, laging may okasyon. Madalas Pasko o Bagong Taon. Hindi ko alam kung anong okasyon nang araw na iyon. Parang kakaiba.Nagulat ako bigla nang sumalubong si Nanay kay Papa na humahagulgol ng iyak. Nagyakap sila nang matagal. Wala na pala si Tatay. Nakatingin lang ako. Tahimik. Nagmamasid. Nakikiramdam. Pinagmasdan ko ang aking ama papalit sa sa kanyang amang nakahimlay. Batid sa kanyang kilos ang kalungkutan.
I’ve learned that a tough man cries too. – Age 9
Hindi ko alam kung bakit bata pa lang ako, tamad na akong mag-aral. Lagi kong hinihintay ang uwian. Gusto ko nga lagi na lang walang pasok. Gusto ko nasa bahay lang, nanonood ng tv, pahiga-higa, nakikipagraro, kumakain at kung ano-ano pa. Minsan kasi nakakainip din makinig sa mga sinasabi nung titser namin, nabobored ako lalo na pag ang subject ay “sibika at kultura”. Naniniwala kasi ako na Past is Past hindi na dapat binabalikan pa. Tapos na yun, kalimutan na natin dapat yun diba?! Kaya minsan nagdasal na naman ako kay Papa God na sana biglang bumagyo, para pauwiin kami ng maaga. Nakita ko kasing makulimlim ang langit nung magising ako kaya sa halip na makinig ako sa mga kaekekan ng titser ko, nagdasal ako ng taimtim. Tila dininig ang aking dalangin, pumalakpak ang aking tenga ng iannounce na hanggang 11am lang ang klase at pinapayagan ng umuwi ang mga estudyante dahil may bagyong paparating. Hindi ko mahexpleyn ang tuwang nadarama ko ng mga oras na yon. Ang lakas-lakas ko talaga sa Kanya. Lalo tuloy ako nawalan ng gana makinig sa mga pinagsasabi ng aking guro at hinintay ko na lamang ang oras. Panay ako sulyap sa orasan hanggang sa tumunog ang bell hudyat ng pagtatapos ng mga klase. Dali-dali kong pinasok ang libro ko sa aking bag -basta pinasok ko na lang. Mababakas mo sa aking mukha ang pananabik na makauwi ng maaga. Gusto ko na mauna sa pintuan. Ngunit, subalit, datapwat habang ako’y papalapit sa pintuan bigla bumuhos ang ulan… Nanlumo ako, naalala ko wala akong dalang payong!
I’ve learned that when we pray, we should expect an answer and be ready for it.-Age 10



















ang lakas mo pala sa kay Bro? pareho tayo. lagi din akong nagpe-pray.
pag dumaan kras ko. “Papa God, sana po lumingon siya dito.AMEN”
pag dumaan kaaway ko ng tumatakbo. “Papa God, sana po madapa po siya tapos subsob ang mukha.AMEN”
at kahit ano pang mga dasal na tinutupad din naman nya.
sulat ka pa ng tulad ng mga post na ganito. hanggang umabot ng 65. nyahehe
pag dumaan kras ko. “Papa God, sana po lumingon siya dito.AMEN”
-haha minsan dinadasal ko din yan… hanggang ngayon nga eh pwamiz!
pag dumaan kaaway ko ng tumatakbo. “Papa God, sana po madapa po siya tapos subsob ang mukha.AMEN”
-salbaheng bata… mana ka sa aken! bwahahaha!
hihi… nagkacount down kasi ako kaya ganyan mga post ko…
ang sarap sundan ang mga yapak ng iyong kamusmusan dhyoy….para tuloy na naalala ko ang mga ilang episode ng buhay walang muwang ko…..hmmmm
haha… puro nga kalokohan!
alam mo joyo
ako kahit hanggang ngayong malaki at matanda na ko (walang kokontra)
lagi pa rin ako nga ppray bago matulog, at lagi ko syang kinakausap between the days.
tama ka sa past is past.. wala akong pake kung ano ang nakaraan ng isang tao. gugustuhin ko sya kung ano ang pinapakita nya sakin ngayon at sa mga susunod pang araw..
Nice JOYO!!!!
haha… matanda ka na? e bakit nakasubo yang daliri mo sa pic mo… hahaha!
yeah hindi na dapat inuungkat ang buhay ng may buhay… patahimikin na natin sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Lapu-Lapu, Magellan at kung sino-sino pa.bwahahaha!!! hindi sila matutuwang pinag-uuspan ang buhay nila!
mabuti Joy hindi ka nag madre..hehehe (joke)
galing ah.. sa murang edad marunong ka ng manalangin.
muntik na… kaso di ako natanggap…
hays..ang ganda ng kwento..ng pag kabata mo ate..(tamad din ako mag aral hehe) hmm si nanay ko ang nag turo sakin kung paano mag dasal..
hehe… puro ako kalokohan! haha!