Forwarded(Minsan May Isang PUTA) Hunyo 28, 2009
Posted by dhyoy in Byahe, Ina, Kayamanan, abroad, ano daw, dramarama, pangaraw-araw, trabaho.Tags: Buhay, copy& paste, forwarded email, hay, pinas
trackback
Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko. Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.
Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako….
Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon at Co??Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko.
Parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami.
Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. Putang Ina! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.
Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.
Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.
Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.
Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko.
Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang isang magandang tulad ko.
Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.
Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.
Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa’t isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Angdami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.
Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!â€
Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako.
Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.
Pilipinas nga pala.
Author:Mike Portes-Borromeo
Masakit man aminin marami sa atin ang nakakalimot kay Ina. Parang guilty ako sa mga sinabi niya. Pero kahit saan ako magpunta hindi ko siya makakalimutan. Babalik at babalik ako ng Pinas. Kung pwede lang bukas na!

















AH TALAGA!!!
wow naman nalinlang ako ng sariling bansa.
buti sinabi mo ah.. muntik ko ng isiping kung kanino ba itong storyang ito.
ANG GALING Napabilib na naman ang hamster!!!!
clap clap!!!!!
wak ka nga… akala mo istorya ko to weh… haha! peace!
grabe di ko alam kung ano masasabi ko..
naawa na ko sa sinasabi nung ina..
hays oo nga no..talgang napag iiwanan na ang bansang pilipinas ,,.
pwede pang masagip ito..
sa susunod na magiging presidente sana…
sana nga lovely… magdilang anghel ka…
jusko kala ko buhay mo ito!haha
nawindang ako sa story!
hindi po haha… maganda lang ako… bwahaha!
kudos sayo Joy
anong kudos?
haha.. it’s a slang word for an act achievement
praise
ganon ba… kudos sa author!
GANDA NG CONCEPT MO NGAYON DHYOY……..GANDA NG PAGKAHABI NG KWENTO…… NA ATING INANG BAYANG GINAHASA AT IPINAGBILI NA RIN PATI NA YATA KALULUWA NIYA!
uhmmm nagandahan nga din ako kaya share ko… iba ang bira! sapul talaga…
ikaw talaga nag lagay ng words d2?? galing ah!!!
4 thumbs up para sayo!!!
hindi jason… ano beh… forwarded lang yan… nilagay ko nga yung author eh…
gusto ko lng ishare !
dahil mahaba ang post mo, ito muna ang tingnan mo habang binabasa ko ang post mo http://www.orphicpixel.com/2009/06/26/dotcom-for-you/
hmmmkei…
Akala ko totoong nangyari. Pero nice, galing nito a. Mahal ko na ang Pilipinas noon pa. Hehe
hehe nice noh? salamat pala sa pagdaan…
P.I. ang ganda ng kwentong ito. akala ganun-ganun lang may saltik pala.
napapaisip ako habang malapit ng ako matapos magbasa. sa tatlong nang rape sa kanya ang dami niyang naging anak. at maganda pa rin siya. hahaha
salamat sa pagsi-share nagandahan ako.
mabuhay!
yeah mabuhay tayong magaganda haha…
-cute nan msg !
-kak’touch ..
-ms. JACQUELINE BOLANTE nag’pauso sa rum nmen nean .. :]]
-iloveu ma’am ..
-cul aw tlga ..
-yeah ..
-xempwe pati AUTHOR nito ..
-cun nu man ..
-gleng.2 muh ..