jump to navigation

Ambisyosa si Ako! Hunyo 6, 2009

Posted by dhyoy in Buhay, Byahe, Kaibigan, Kayamanan, Lord, Prayer, abroad, ano daw, muni-muni, wish, yume.
Tags: , , , , , , , , ,
trackback

Hmmm…. Photobucket

Oo sumali ako… may angal ka?! Haha… Kachat ko minsan si Otep at sabi niya pwede naman daw ako sumali…Op kors di naman dahil sa gusto ko yung T-shirt… gusto ko lang din naman ipamahagi ang aking mga pangarap.Kahit naman ganito ako…isang hamak na maganda lang(oh wak ka na kumontra libre mangarap)….nangangarap din ako. :)

Libre lang mangarap…yun na nga lang ata ang libre sa panahon ngayon.Kaya ako sinasamantala ko.Eport kung eport! Mula sa pinakaimposible hanggang sa pinakasimple meyon ako nyan.Syempre mangangarap ka na lang din eh dapat to the nth power na.Walang limit-limit!

Pwede ko nang umpisahan?

Babala: Paganahin ang inyong mga imahinasyon… pati na rin ang inyong pang-unawa.

Hmmmkei…fasten your seatbealt!

-Pangarap kong maagaw kay Angelina Jolie si Brad Pitt!

-Tapos gusto kong magkaroon ng controversial kissing scene kay Paul Walker, gusto ko yung matindi. Kayo na mag-isip kung gaano katindi…basta matindi!

-Gusto ko ring makapasyal sa Hogwarts… at makipagbonding kay Severus Snape at aalamin ko kung interesado siyang ilipat yung hati ng hair niya. Ang sakit kasi sa bangs…naaalala ko si Katchupoy.Gusto ko rin pala maexperience yung sorting hat don at malaman kung san ako belong… gusto ko rin pala mameet ng personal si Voldemort at iintrigahin ko kung siya ba’y may lavlyp. Wish ko rin makita sa malapitan yung mga pictures na gumagalaw at magrerequest akong ilagay din yung fektyur ni Superman.Syempre di ko palalampasin panoorin ang live game ng Quidditch at gusto ko katabi ko si Hagrid.

-Iibahin ko din ang ending ng Prison Break at bubuhayin ko si Fafalicious Michael Scoffield. Ieedit ko lang nang konte ang script…Si Sarah na ang madededbol dahil makakalimutan niyang huminga… Hmmmkei… the End!

-Sa Season Four ng Heroes, may kalove team na si Peter Petrelli… at iyon ay walang iba kundi ako!Oo tama ang nababasa mo. Ako!

-Gusto ko rin makapagtravel around the world, peyo gusto ko may sarili akong eyoplano. Yung pwede akong mag-almusal sa Spain,tapos mag la-lunch sa New Zealand, tapos meryenda sa Japan, tapos dinner sa Pilipinas… Hindi ko alam at wala akong pakiayam kung paano imamaneho ng piloto ang eyoplano basta dapat makarating ako sa mga bansang yan sa tamang oras nang paglamon na hindi nagugulo ang aking bangs. Op kors di mawawala ang pictorials sa mga famous places and landmarks sa mga bansang magpagtitripan kong mag-stop over. Gusto ko sa isang room sa Burj Dubai ako magreretouch.

-Trip ko ding maipinta ng isang pagkagaling-galing na painter(sino naman kaya?!) para sa isang obra…wearing only this…(payang yung kay rose sa Titanic)Photobucket

-Gusto ko rin pala ikasal sa St Peter’s Square sa Vatican lang naman at take note si Pope ang dapat magkakasal sa amin. So what kung hindi makarating ang mga bisita… basta nandon ang groom!Photobucket

Ops…back to reality!Seryoso na pls.Oh.. Wag naman masyadong seryoso, di bagay…ahihi…Patambling lang nang isa… Hmmmkei!

May mga pangarap ako na kung pagsusumikapan ko ay magiging posible.Di nga? Oo…wak ka muna kumontra,seryoso na talaga ako nito. Sabi nga nila kung gusto mo talaga, maraming paraan.Kahit sampung tigre ang humabol sa akin, kahit tatlong beses na mas mataas pa sa Great wall of China ang iharang sa akin,at kahit gaano kalayo ang lalakarin hindi ako susuko… carry ko yan. Photobucket

Gusto ko magkaroon ng sariling business, syempre iba yung hindi ka nangangamuhan. Iba yung ikaw ang nagpapatakbo ng
sarili mong negosyo.Iba kung ikaw ang amo.Iba yung ginagalang,nirerespeto, at minamahal.Syempre magbibusiness ako kasi I want to earn money para maging maayos ang buhay ko. Pero gusto ko hindi lang yung buhay ko ang maayos, gusto ko rin kahit papaano maging maayos ang buhay ng ibang tao. Gusto ko yung business na pwede kong ihire yung less fortunate people na hindi nakatapos ng pag-aaral. Sa ngayon kasi ang kumpetisyon sa paghahanap ngtrabaho ay sobrang taas na, marami ngang tapos sa pag-aaral pero nahihirapan pa rin makahanap ng mgandang trabaho pano pa kaya sila.
Gusto ko silang bigyan nang pagkakataon na magkaroon ng trabaho na ipagmamalaki nila at hindi basta trabaho lang… gusto ko yung kahit papaano ay may natutunan sila.

Gusto ko rin magkaroon ng bahay ampunan.Naawa kasi ako sa mga batang pagala-gala lang sa daan na nakayapak. Madudumi ang kuko. Parang basahan ang damit at namamalimos sa kalsada na kahit ata maghapon ay hindi makakaipon ng sampung piso. Marami pa naman sa atin ang mga halang ang bituka at balun-balunan na sa halip na tulungan ang mga batang ito ay gagamitin pa sa kanilang mga masasamang adhikain.Hindi na naawa.Mga ayuf! PhotobucketGusto kong maranasan ng mga batang ito ang nararanasan ng mga ordinaryong batang may sariling tahanan,may kamang nahihigaan na may unan at kumot,kumakain ng wasto,nakakain sa Jollibee(hihi),naliligo araw-araw, pumapasok sa eskwelahan, nakakapagsimba tuwing linggo suot ang maayos na damit,nakakapaglaro, marunong magdasal, magpasalamat,rumespeto at maraming kaibigan. Gusto kong malaman nila na maraming nagmamahal sa kanila at iparamdam sa kanila na masarap mabuhay.

Gusto ko ring makapagpatayo ng eskwelahan na makakapag-aral ang mga batang hindi kaya paaralin ng kanilang mga magulang. Alam ko na bawat magulang, pangarap nilang makapag-aral ang kanilang mga anak, ngunit sa hirap ng buhay wala silang magawa.Gusto kong lumaki sila na marunong magsulat, bumasa, magbilang, at makipagsabayan at makipagtagisan ng talino sa mga batang may mga magulang na kayang tustusan ang kanilang pag-aaral kahit sa mga pinakamahal na eskwelahan.Gusto ko maranasan nilang makapag flag ceremony,ang makapagsuot ng uniform, ang mamemorize ang Panatang Makabayan, ang malaman ang monocot at dicot, ang makapagrecite ng multiplication table, ang makapagexperiment, ang makilala nila ang mga bayani, ang makilala kung sino tumalo kay Magellan,ang malaman ang kwento ni Florante at Laura,ang makilala si Crisistomo Ibarra at Maria Clara, ang malaman ang kasaysayan ng Pilipinas, ang magpacute sa karas nila sa canteen kapag recess, ang makipagpataasan ng grade sa P.E, ang kiligin sa wafung teacher,ang matutong makisama, ang maintindihan na kailangan ang GMRC sa buhay, ang makapagtanim ng halaman,ang makapagsuot ng mga costume
sa mga programs, ang makilala si Einstein, ang maging pamilyar sa x at y axis, ang mainis sa algebra at trigo,ang matutong manahi,magluto,ang maranasang antukin sa subject na Filipino,ang malaman ang inflation, deflation o recession,ang negative,positive, ang break even,ang greater than,less than at equal, ang decimals at fractions, ang verb, ang nouns-proper o common, ang pronouns at prepostions,ang tamang grammar,etc etc etc… at higit sa lahat ang malaman na mahalaga ang cooperation at team work sa pagsagot ng assignment (hihi).Gusto kong maging proud sila sa kanilang mga sarili,maging taas noo kahit kanino…ang Pilipino ay AKO at maintindihan nila kung gaano kahalaga ang makatapos ng pag-aaral.

Hindi ko alam kung paano ko gagawin lahat ng iyan.

If God will make it possible for me, marami akong mapapasayang tao.

May mga pangarap din akong kung iisipin ay hindi ganon kahirap abutin, pero mahirap hanapin. Ang hanapin ang pagkakataon na makita ulit at makasama lahat ng kaibigan ko. Ang pagkakataong makasama sila sa isang buong araw: magkakainan, magkukuwentuhan, maglalaro, magbibiruan,magkakantiyawan, magtutukusuhan, magtutulakan, magjojombagan. Ang pagkakataon na makalimot sa mga trabaho at problema kahit ilang oras lang. Ang magbisekleta nang sabay-sabay na hindi alintana kung saan mapadpad at hindi nag-aalala sa oras.Na kapag napagod ay hihinto sa isang lugar kung saan pwede kaming humiga ng sama-sama na magkakatabi at sabay sabay na pagmamasdan ang mga nagkikislapang bituin. Tahimik na hihiling na kahit hindi na maulit muli ang ganoong pagkakataon ay magkakaibigan pa rin kami kahit ubos na ang aming mga ngipin.

Op kors, gusto kong mahanap yung taong makakahawak kamay ko sa mga darating pang hamon ng buhay.Ang taong hindi ako
bibitawan ano man ang mangyari. Yung laging nanjan. Basta nanjan lang. Hehe. Ang kasama kong mangangarap mula sa pagtaas ng araw hanggang sa paglubog nito. Ang kasama ko sa pagbuo ng sariling pamilya. Ang taong kahit may kakayahang saktan ako ay hindi kailanman gagawin sa akin na kahit gusto na niya na akong batukan ay pipigilan niya ang sarili niya, na kahit gusto niya na kong itulak sa kama sa sobrang likot ko matulog ay titiisin niya,at kahit gusto na niyang pasakan ng bola ang bunganga ko dahil mas malakas pa akong maghilik sa kanya ay tatakpan na lang niya ang tenga niya. ;) Ang taong iintindi sa lahat ng kagagahan ko at pag-iinarte ko.Haha!Ang taong kahit hindi ko bigyan ng hopia ay love pa rin ako. :) Ang taong handang iwan ang lahat makasama lang ako.Yung hindi ako ipagpapalit sa kahit sinong maganda at seksing babae kahit maging lumba-lumba pa ako.Ang taong maaappreciate lahat ng ginagawa mo. Yung papayag na bunutin ko yung bigote niya sa halip na ahitin.Hakhak! Hindi magpapaapekto sa sasabihin ng iba, handang ilaban ako kahit sa kaninong Ponsyo Platito!Ang taong kayang magbigay ng pagmamahal nang mas higit pa sa kayang kong ibigay.Ang taong mamahalin ako ng wagas! (naks!)Patambling ulit!Photobucket

If God will give me a chance…hindi ko yan palalampasin.

Meyon din akong mga simpleng pangarap na sa sobrang simple marami sa mga makakabasa nito ay mapapataas ng kilay at magtataka.At mapapa- ANO DAW?! Mga pangarap na sa iba’y wala lang pero sa akin ay mahalaga.Mga pangarap na sana’y hindi tuluyang ipagkait sa akin.

Ang mayakap ang aking ina. Ang mapatawad ng aking ama.Ang makatabi muli sa pagtulog ang aking mga kapatid.Ang magkasama-sama kaming muli. Ang makumpleto sa mesa,sabay-sabay na kakain,ang makipagkwentuhan ulit nang harapan at hindi sa telepono,Ang marinig ang kanilang mga halakhak at makitang muli ang kanilang mga ngiti.Ang makapagsimba ng sama-sama. Ang maipagdiwang ang pasko ng kumpleto,ang maging buo.

At ang pinakapangarap ko sa lahat:Ang magkaroong ng family picture.

If God will grant this… ako na ang pinakamasayang tao sa mundo.

ATBP:Mga pangarap kong kahit hindi matupad… hindi sasama ang loob ko.Na kahit posible sa inyo sa akin imposible pa rin!Haha!

-Gusto kong matutong sumipol. Oo di ako marunong sumipol!Weno ngayon?!
-Gusto kong matutong lumangoy, di kasi ako nag-eenjoy sa beach. Lagi lang akong taga ihaw ng barbeque.(hikbi)
-Gusto kong matutong magsplit! Bakit?! wala lang… kailangan ba may reason? (lmao)

Walang masama na mangarap na magkaroon ng limpak-limpak na salapi at magkaroon ng mga pinaka high-tech na mga gamit, ang makapamasyal sa iba’t-ibang panig ng mundo, ang maging sikat,ang hangaan, ang magkaroong ng sariling negosyo, ang maghangad na yumaman,ang makapagsuot ng mga mamahaling damit at alahas,ang mangolekta ng pinakamahal na mga sasakyan at makapagpatayo nang malapalasyong tahanan…paalala lang kaibigan walang kwenta ang lahat ng niyan kung mag-isa ka naman!

Some dreams come true…some don’t…so keep dreaming!

Photobucket

Mga Puna»

1. blurosebluguy - Hunyo 6, 2009

wow! haba ng hair mo dhyoy!

Some dreams come true…some don’t…so keep dreaming!

higit sa lahat …gusto ko ang sinabi mong ito…

pangarap bakit hindi? libre kaya ……

itodo nah!

joyo - Hunyo 8, 2009

haha… sooobrang haba nga di ko na masuklay…

yeah… keep dreaming!

todo na ‘to ;)

2. flamindevil - Hunyo 6, 2009

hala sumali rin ako sa kalokohang yan ni pareng otep..gudlak sayo,gudlak sakin,gudlak satin.hehe

gusto ko yung t-shirt!waahhhhhhh

joyo - Hunyo 8, 2009

weh… karas ur hir.. ahihi kilig…

yeah gudluck sa atin..

gudluck sa inyo…

gudluck sa akin… ;)

3. jason - Hunyo 7, 2009

pareho tayo gusto ko ring pumasok sa hogwarts
hehehe

mangarap taayo ng sabay sabay!!!!!

tutulungan ka namin!!

joyo - Hunyo 8, 2009

yeah… sabay tayo bumisita don jason,
magbabaon ako ng maraming hopia hahaha….

;)

4. orphicpixel - Hunyo 7, 2009

nakanang! laking pagsisisi ko na binasa ko to, episode 17 palang ako sa prison break!

joyo - Hunyo 8, 2009

haha kulot… sowee naman…

:)

5. Prinsipe ng Pangarap! - Hunyo 7, 2009

keep dreaming talaga? hahaha!

joyo - Hunyo 8, 2009

yep yep… keep dreaming talaga…

;)

hmmm…. mukhang may mga bago akong fans.. haha at ang prinsipe pa ng pangarap… hmmmm
pwede ba ako ang prinsesa haha!

:)

6. ELIment - Hunyo 8, 2009

wahawwwoww.. galing at talagang ang haba..hehe

basta mangarap lang tayo..hindi naman masama yan. at ang galing ng pacontest na ito ni otep ha kase naisusulat natin yong mga pangarap natin. kudos.!

galing din nung song.

joyo - Hunyo 8, 2009

yeah… galing nga ng contest, danda pa nung t-shirt
hihi…

mangarap ka… itodo mo na ;)

7. payatot - Hunyo 8, 2009

kay rami mong pangarap at sana ay kahit marami yan matupad mo lahat para maging happy ka na rin sa buhay mo at may magawa ka na…basta tulungan mo lang ang mga less fortunate, pinaka maganda yun sa lahat ng pangarap mo

dhyoy - Hunyo 8, 2009

payatot… pahug! hihi… akala ko hindi ka na dadalwa dito weh, buti naman di ka tuluyang lumayas sa blog world…

oo tutuparin ko lahat yan ahihi…

;)

8. jason - Hunyo 8, 2009

nandito na si jasonhamster

para iligtas ang mga naaapi!!!!
LOL

9. jason - Hunyo 8, 2009

eto pa para sayo!!!

10. jason - Hunyo 8, 2009

eto pa

Hadouken!!!!

11. jason - Hunyo 8, 2009

good luck dhyoy!!

dhyoy - Hunyo 8, 2009

wahahaha… etong sayo!

powerhug!

ayos ang trip mo ha!

;)

12. dencios - Hunyo 8, 2009

haha. natawa ako sa iba mong pangarap. sabagay ako din gusto ko namang maagaw si jolie ke brad lols magtulong tayung 2. hehe

goodluck. strive smarter para sa pamilya at sarili mo at sympre para sa tshirt ni otep :)

joyo - Hunyo 8, 2009

oh yeah, pagtulungan natin hahaha… kelan natin uumpisahan?! hihi…

gudluck din sayo dencio… ;)

ingat din!

see yah around!

13. dencios - Hunyo 8, 2009

ingat!

14. sandi - Hunyo 8, 2009

haha… ayos ito! para sa mga bata.. sana matupad ;)

ano yung monocot at dicot? di ko alam eh..

haha..natawa ako dun sa taga- ihaw lang palagi.. hehehe :p

dhyoy - Hunyo 8, 2009

ahaha… mageexpleyn po ba ako dito?

bakit mo ako nitatawanan… taga ihaw lang talaga ako palage pwamiz!

*hikbi*

sandi - Hunyo 22, 2009

sige eksplayn mo?

sandi - Hunyo 22, 2009

ano ang monocot?

sandi - Hunyo 22, 2009

ano ang dicot?

sandi - Hunyo 22, 2009

wala nman masama kung taga ihaw ka lang..

sandi - Hunyo 22, 2009

at least may pakinabang sila sayo

joyo - Hunyo 22, 2009

gusto ko rin naman kasi lumangoy… ahuhu…

sandi - Hunyo 22, 2009

o baka naman..baka naman

sandi - Hunyo 22, 2009

talagang..

sandi - Hunyo 22, 2009

masarap ka lang magluto kaya..

sandi - Hunyo 22, 2009

palagi kang taga ihaw ;)

sandi - Hunyo 22, 2009

a ganun ba…

sandi - Hunyo 22, 2009

sobrang bait mo siguro?

joyo - Hunyo 22, 2009

wahaha… Mr. Sandi nahawa ka na rin kay jason… haha!

15. Otakore Literantadodist - Hunyo 8, 2009

-Tapos gusto kong magkaroon ng controversial kissing scene kay Paul Walker, gusto ko yung matindi. Kayo na mag-isip kung gaano katindi…basta matindi!

- ^ “MATINDI”? Yung natatanggal ang ngipin! (sobra ang paggana ng aking imahinasyon) Hehehe.

About sa Hogwarts dream muh. Gusto ko rin yan, i was a fan kasi. At lalong-lalo na gusto ko makasakay sa broom broom sa Quiditch game nila. Teka, tungkol kay Voldemort bakit mo naman naisipan kung may lovelyf siya? Crush mo siya? Patayin ko nun MOST WANTED kaya yun sa WitchWorld.

Aba, nanonood ka rin pala ng Heroes. Peborit ko sa Hiro Nakamura. Pangarap ko magkaroon ng supernatural abilities niya.

Sana matupad mo ang pagpapagawa mo ng bahay-ampunan. Magiging advocate mo ako diyan, kung papalarin balang araw.

Siya sige. Libre lang naman mangarap.

^_^

dhyoy - Hunyo 8, 2009

hehe… ako fave ko si Peter my loves! hihi..

oo matutupad yan,lalo ngaun ginanahan ako, magiging advocate kita. :)

about kay voldemort… wala lang, parang ang lungkot kasi ng life niya.. hihi

walang kulay!

Otakore Literantadodist - Hunyo 8, 2009

Sa libro hindi malungkot ang life ni Voldemort, masaya siya bec. he hunger for power. At isa pa nanggaling siya sa ampunan at siguro duun mo nakuha yung ampunan ambition mo. Marahil crush na crush mo nga siya. ^_^

joyo - Hunyo 9, 2009

hahaha… marahil nga… inpernez wafu naman noon si voldemort… naging bad lang siya.. ahahaha… parang kinarir naman natin si voldemort baka naman kulamin tayo non… ;)

Otakore Literantadodist - Hunyo 9, 2009

Aaminin ko na . . .

Ang totoo kasi nyan . . .

I-am the real Who-Must-Not-Be-Named.

~ ~ ~ ~ ~ “Avada Kedavra”

(laugh of the devil)

dhyoy - Hunyo 9, 2009

amf!

im dead!

;)

16. anakngpating - Hunyo 8, 2009

huwaw ang lupet ni ate hehe..
akala ko seryoso ka dun sa umpisa pero bakit hindi di ba malay mo makasama mo si brat pitt..yebah..

teka sa pangalawa ..pwede ka na atang tumakbong pangulo sa 2010 hehe,,jokeness,,
pero astig ang lupet wala akong masabi,..

hindi din ako sumipol at lumangoy hehe..
..paturo tayo sa mga kras natin hehe..
go go go..kahit di mo sabihin alam kong gusto mo rin ng tee shirt ..

dhyoy - Hunyo 8, 2009

hehe lovely, dyahe naman kung papaturo ako sa karas ko… kahiya haha…

waya akong balak tumakbo, ang dami na ngoffer tinanggihan ko lahat lol…

hihi oo type ko yung tshirt… wak ka maingay

;)

17. jason - Hunyo 9, 2009

nandito na si jasonhamster dyoy!!!!

eliment - Hunyo 17, 2009

yehey! ikana mo!

18. jason - Hunyo 9, 2009

Nagbabalik nagbabalik!!!!

19. jason - Hunyo 9, 2009

Eto pa para sayo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

eliment - Hunyo 17, 2009

hehe..kakalat kalat ka nanaman jason.

20. jason - Hunyo 9, 2009

Peter Pipper picked a
peck of pickled pepper.

A peck of pickled pepper
Peter Piper picked.

If Peter Piper picked a pecked
of pickled pepper

Where is the peck of pickled
pepper Peter Pipper picked?

joyo - Hunyo 9, 2009

wui jason… what is this? ahahaha… mukhang naparami ang inom mo ng vitamins.. hehe!

eliment - Hunyo 17, 2009

wag ka magalala..okay lang si jason. mabait na bata yan.

jason - Hunyo 17, 2009

aba aba aba ano yan??? anong bata? hahaha di na ko bata.
:)

dhyoy - Hunyo 17, 2009

di na daw siya bata… hmmm…

ELIment - Hunyo 18, 2009

oo nga pala..binata na pala!

21. jason - Hunyo 17, 2009

let’s go para sa pagiging ambisyosa ni ako.. este ni
dhyoy!!!!!

wooooooooooooooooo

22. jason - Hunyo 17, 2009

kung mangangarap nga naman tayo e di lubuslubusin na…

masmaraming ambisyon, masmaraming tagumpay. tama tama?

teka naaaliw ako dun sa mga tidibers na nasa kanang screen.

23. sandi - Hunyo 23, 2009

ang iyong pangarap ay unti-unti na ring nabubuo dahil sa iyong kabutihang ginagawa sayong kapwa..

24. sandi - Hunyo 23, 2009

Hi Joy! Naiisip ko na kayo kanina sa opis pero hindi ko alam kung paano kayo matutulungan na lahat kayo ay manalo.. syempre dapat tanggapin natin na may mananalo may matatalo

25. sandi - Hunyo 23, 2009

Hindi ko alam kung paano mo sasagutin ang aking mga comment pero ikaw na lang ang bahala kung ano ang iyong isasagot

26. sandi - Hunyo 23, 2009

Naisip ko kanina sa opis kung paano style ang ikoment ko sa inyo, naisip ko na parang style sulat.. okey ba sayo?

27. sandi - Hunyo 23, 2009

nakakatuwang malaman na ang isang tao ay may pangarap para sa ibang tao.. tama ba ako?

28. sandi - Hunyo 23, 2009

ang isantabi ang iyong pangarap at unahin ang pangarap ng iba.. sang-ayon ka ba dun?

29. sandi - Hunyo 23, 2009

ang ilagay muna sa drawer ang iyong mga sariling pangarap at sabay sabing “babalikan na lang kita”. ganito ka ba?

30. sandi - Hunyo 23, 2009

O ipahawak mo muna sandali sa Panginoon para maasikaso ang pangangailangan ng iba..ang ganda di ba?

31. sandi - Hunyo 23, 2009

Tignan ang pangangailangan ng iba, at gawin ang lahat ng makakaya para makatulong sa iba..

32. sandi - Hunyo 23, 2009

Unahin ang iyong kapwa ay kadaki dakilang bagay dahil itoy nagbibigay kagalakan sa iyong kapwa at kaginhawaan..

33. sandi - Hunyo 23, 2009

pagkatapos mong matulungan ang iyong kapwa, hindi mo namamalayan sa iyong pagbukas ng iyong drawer..

34. sandi - Hunyo 23, 2009

ang iyong kabutihan ay sinusuklian ng ating Diyos..

35. sandi - Hunyo 23, 2009

dahil inuna mo ang iyong kapwa kaysa sayo..

36. sandi - Hunyo 23, 2009

Ang unahin at tulungan ang iba kahit na medyo maliit lang iyong maibibigay ay isang kahanga-hangang gawain..

37. sandi - Hunyo 23, 2009

para itong isang batis na patuloy sa pag-agos at hindi kailanman natutuyuan..

38. sandi - Hunyo 23, 2009

Minsan napaka misteryoso dahil habang tumutulong ka sa iba hindi mo napapansin na ikaw ay tinutulungan din..

39. sandi - Hunyo 23, 2009

Kahanga-hanga at kadaki dakila ang mga taong nangangarap para sa iba..

40. sandi - Hunyo 23, 2009

sana ay kahit papaano ay nakatulong ako sa inyo…

41. sandi - Hunyo 23, 2009

God bless you

42. sandi - Hunyo 23, 2009

and goodluck

43. sandi - Hunyo 23, 2009
joyo - Hunyo 23, 2009

ang ganda naman ng mga sinabi mo Mr. Sandi… salamat po sa lahat kasi kahit papaano eh namumulat ang mata ko sa mga simpleng bagay… simple pero minsan mahirap gawin.

Aktwali di ko naman hinangad manalo. Makita lang sila masaya ok na ako.

:)

44. LLM T-SHIRT MAKINIG KAYO! :) « Libre Lang Mangarap! :) - Hunyo 29, 2009

[...] DYOY [...]