jump to navigation

Ka stress! Abril 1, 2009

Posted by dhyoy in Wala lang, pangaraw-araw.
Tags: , , , , ,
trackback

Okay. Bayad utang na naman. Itong si Bojoy kasi a.k.a Ligaya slash Joy at arnie slash twisted(ayan niedit ko na) ay tuwang-tuwa na itag ako. Sa tuwing may tag-tagan na nagaganap parang automatic kasama ako sa listahan. Iba na talaga ang sikat(feelingera ako.. oo na!) Syempre naman sino ba naman ako para tumanggi sa mga batikan na TAGERA hihi… peace tayo sis lab u… ;) O ayan niistampan ko pa ng “urgent” para di ko makalimutan, ang dami ko kasing ginagawa sa opis e(mag-plurk, magchat, mag-update ng Friendster,magblog-hop at marami pang iba).

Sa totoo lang hindi ko mawari kung ito’y makakatulong sa ekonomiya ng bansa, o ikapapanalo ito ni Pacquiao sa nalalapit niyang laban o makapagdaragdag ito sa aking kagandahan pero dahil malakas kayo sa akin eto at kinakarir ko at pinagbubuhusan ko ng sobrang energy ang tag nyo sa akin na nasambit mo Bojoy na galing kay Manong Blu na tinag ko rin ngunit hindi sumunod sa aking instruction.( Arnie yung tag ko sayo hindi mo pa ginagawa.Hmp!)

Kung inyong napapansin ang dami kong hexplanasyon, napepressure kasi ako at makailang ulit ko na ring pinag-isipan kung gagawin ko ba talaga ang tag na ito. Hindi ako handa at wala pa akong sapat na lakas nang loob na ilantad ang aking sulat kamay sa kadahilanang alam na alam ko na dapat itago na lamang ito.Ngayon lang ako nastress nang ganito. Haha! Ang lakas nang kabog ng dibdib ko.

tag

Papa Jesus,

Sana po ay mapansin nila ang mga design na nilagay ko at hindi po sana ang sinulat ko. Haplusin po NINYO ang kanilang mga puso para hindi nila maisipang laitin ang sulat ko at mapagtanto po sana nila na hindi lahat ng magaganda ay magandang sumulat. Sana po ay mapagbigyan Mo ako.Amen.

Nakakahiya man pero hindi ko ikinakaila, at ako po ay nagpapakumbaba at bukal sa aking lalamunan na hindi talaga kagandahan ang sulat ko.

Sabi nila sa sulat daw ng isang tao maaring makita ang tunay na katauhan nang isang nilalang. Hindi ko alam kung sino ang nagpauso niyan, ngunit sa tingin ko naman ay ito’y hindi pa lubos na napapatunayan. Wahaha. Bakit ba ako naghehexpleyn.

O siya cge hanggang dito na lamang. Hanggang sa muli. :)

Wala na po akong maitag. Lahat ata naitag na ni Joy at Arnie!hehe! Gawin niyo na lang kung trip nyo. :)

Photobucket

Mga Puna»

1. khzr4u - Abril 1, 2009

anak ng tokwa REMINDER sa akin URGENT sau..hindi mo naman ako IDOL noh?hahahaha

nitag din kita bat ala name ko?EDIT mo yan ang daya :P

2. dhyoy - Abril 1, 2009

sori namen… mapatawad mo sana ako kabayan… haha! niedit ko na po. :)

3. freethinker - Abril 1, 2009

aba talagang my puso epek pa.. hehe!

dhyoy - Abril 1, 2009

op kors chaweeh para di nila masyado mapansin yung sulat ko… hehe…

4. blurosebluguy - Abril 1, 2009

hahahaha wow naman creative ang drama mo inday..ganda …….sana ako din ganyan….
ay naku at itsinismis pa kay bojoy ang violation ek-ek ko ever…..tama na …patawad na……hahahahahahah!
at isinama pa si Papa Jesus ha…..oo na ganda ng penmanship mo!

dhyoy - Abril 1, 2009

hmmm… dahil niuuto mo ako may libre kang hopia sa akin ahahaha!

totoo namang hindi ka sumunod sa aking patakaran… at hindi yun tsismis Mr Blu, pawang katotohanan lamang ang namumutawi sa aking mga labi. :)

eniwey salamat sa pagpuna sa aking mga effects haha!

5. anakngpating - Abril 1, 2009

napansin ko nga nung una ung hart na nag bliblink eh hehe
pis sis…
ung sulat ang linis nga po eh hehe…

dhyoy - Abril 1, 2009

lovely… safe ang sagot mo dahil jan… bibigyan kita ng powerHUG! :)

6. bojoy - Abril 1, 2009

hahaha….ayos na ayos ah? cge sis ipagpatuloy lang…

@manong blu hindi naman masyadong pinag tsismisan hehehe…

Adik ka talaga sis daming ka ek ekan ah?

dhyoy - Abril 1, 2009

kapatid wag mong masyadong ipagsigawan na adik ako… maniniwala mga yan… :)

7. eloiski - Abril 1, 2009

wahooo! ayaw ko to!
buti na lang hindi ako tinaga!
hayyy.

pangit sulat ko eh…
at naman may mga bling blings pa ng nalalaman.. hakhak!

dhyoy - Abril 1, 2009

syempre namen… hihi! ang fanget kasi ng sulat ko.. ;)

8. sandijmartin - Abril 1, 2009

okey ah! may kumukutitap pa.. :)

dhyoy - Abril 1, 2009

op kors! para kikay!

9. kulot - Abril 1, 2009

nako di ko pa nagagawa ito

dhyoy - Abril 1, 2009

honga… at yung tag ko pa sa iyo… di mo pa rin nagagawa..