Hay naku!

Minsan gusto ko talagang mapag-isa. Yung tipong walang magkokontra-bulate. Yung magagawa ko lahat ng gusto ko yung pwede akong matulog ng sobra-sobra yung mamaga ang mata ko sa sobrang tulog tapos susundan ng magarbong paglamon na hindi ako mag-aalala kung may kakain pa. Buhay baboy ba… Tapos yung kahit hindi ako maligo yung nagdidikit-dikit na ang hibla nang aking buhok sa sobrang dumi at kahit mejo umalingasaw na ako eh wala akong maririnig na kahit anong reklamo.(parang nakakadiri naman yun).

Ang basahin ko ang libro from table of contents to glosary at makalimutan ko nang bumangon sa aking kama ay magagawa ko nang bonggang-bongga! Magpatugtog man ako nang pagkalakas-lakas na yayanig ang apat na sulok ng bahay ay walang maiinis at magagalit sa akin. Kahit gabundok na ang aking mga labahin hahayaan ko lang sila hanggang sa saniban na ako ng kasipagan. Magmamarathon ako “back to back” pa nang lahat ng season ng Smallville at Heroes kahit hanggang umaga na walang iistorbo sa akin.

Ano man ang gawin ko sa sarili ko, ano man ang suot ko, ano man ang kainin ko, magsisigaw man ako,umutot man ako ng sobrang baho na tipong pwede kang mamatay dahil makukulob sa apat na sulok nang silid, magkakanta, magwala at magtambling-tambling hindi ako mahihiya.

Yung kahit ano man ang maging desisyon ko, walang masasaktan at walang maapektuhan.

Yung walang makikialam!Kahit minsan lang…

Photobucket

8 Mga Tugon to “Hay naku!”


  1. 1 blurosebluguy Marso 27, 2009 bandang 2:49 hapon

    o siya pagbibigyan na kita…hmmmp!makayanan mo kaya? no man is an island kaya!pero kung yun ang type mo…sabi mo minsan lang naman eh,,,,,gawin mo! bow!
    hahahahaha…naiintindihan ko ang ibig mong sabiin….minsan talaga gusto lang nating mapag-isa…ang maging malaya……

  2. 3 lhay Marso 28, 2009 bandang 7:41 umaga

    hay naku, hanggat may nagmamahal sau, hindi puhwedeng walang mangingielam lolz……

  3. 5 sandijmartin Marso 28, 2009 bandang 10:44 umaga

    Makialam na sandali..hehe.. sige lang gawin mo yan para malaman nating kung ano epekto..post mo rito ha? :)

    Have a nice weekend!

  4. 7 eloiski Marso 28, 2009 bandang 11:44 umaga

    pwede mo namang magawa iyan kung gugustuhin mo eh. hindi ko alam kung natry ko na iyan pero minsan nararamdaman ko na ganyan ang buhay ko.
    try mo. tapos kapag natuwa ka, lubos-lubusin mo na. pero kung hindi ka masaya, aba’y balik ka na sa mundong ito. mukha kasing fictional world ang hanap mo.
    hakhak!
    apir tayo!

  5. 8 dhyoy Marso 28, 2009 bandang 1:02 hapon

    tama ka jan eloiski… ako’y nangangarap ng gising… hay naku ulit… hihi… salamat ulit sa pagdalaw!


Mag-iwan ng Tugon




♥May masabi lang♥

  • Oo nga, ika'y tao lang na nadadarang at natutukso rin. Pero sana lumandi sa tamang lugar at sa tamang panahon. 34 minutes ago

eh sa wala akong magawa...

♥Minsan tinitignan mo lang ang gusto mong makita.. pinakikinggan mo lang ang gusto mong marinig.. bat di mo subukan intindihin yung hindi mo maintindihan? Baka sakaling malaman mo yung dapat mong maramdaman.♥

♥Ang Walang Magawa♥

Photobucket
Ako po si Joyo...tao po ako mukha lang maligno!!! Kung di mo masikmura ang mga pinagsasabi ko lumayas ka dito! :)

♥Ang Blog ng walang magawa♥

Photobucket Ang blog na ito ay nagawa dahil wala akong magawa!Yun lang!Gusto mo pa bang ipaexplain?!...

♥Kalendaryo♥

Marso 2009
L L M M H B S
« Peb   Abr »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
Photobucket
Photobucket
Photobucket

♥Saang Lupalop ka Galing?♥

Sa mga walang magawa ring gaya ko na naligaw dito, maraming salamat sa pagtitiyaga nyo na basahin ang mga nakasulat dito(*kung binasa mo*)Salamat sa pagbisita kahit na hindi mo sinasadya.Sobrang naaappeciate ko.
Photobucket

Sali na…

    Join My Community at MyBloglog!
    proudlypinoyontrans
    Wordpress Pinoy

♥Bilang ng mga naligaw...♥

  • 23,364 mga nakitambay :)
Blog ko po ito. Walang pakialamanan.

♥Ang mangopya panget!♥

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

♥Shokran♥

From: Bojoy Photobucket
From: Sandi Photobucket