jump to navigation

ader sayd… Nobyembre 20, 2009

Posted by dhyoy in wish.
Tags:
1 comment so far

Maaga ako nagising. Di ako agad dumilat. Nakikiramdam. Nagdasal ako saglit. Pinakinggan ko ang paligid. Tahimik. Napangiti ako. Sinamantala ko ang katahimikan. Napapitlag ako ng may humalik sa aking pisngi. Bigla kong naidilat ang aking mata. Para akong namamalikmata, isang batang babae ang nasa aking tabi. Nakatitig, nakangiti. Pinagmasdan ko ang kanyang maamong mukha. Palipat-lipat ang aking tingin sa mapupungay niyang mata at sa maliit at malambot na labi na kanina’y dumampi sa aking pisngi. Hindi ko alam kong sino ang batang nasa tabi ko pero tila may naramdaman akong ibang kuryente ng magtama ang mga mata namin. Napahagikgik ito at dali-daling niyakap ako. Di ko alam kung ano ang naramdaman ko sa yakap na yun ang alam ko lang gusto ko huminto ang oras sa mga sandaling yun.

Dalawang mahinang katok ang narinig ko bago tuluyang bumukas ang pintuan ng kwarto. Don ko napansin na parang iba ang ayos ng silid hanggang sa napagtanto kong hindi nga iyon ang kwarto ko. Nagpanic ako, kaninong kwarto ito. Sino itong batang ito na kayakap ko? Lasing ba ako kagabi at sa ibang bahay ako nakapasok? Lalo akong nabigla ng makita ko ang mukha ng taong pumasok sa pinto. Hindi ito maari. Napanganga ako. Lasing nga ata ako. Anong nangyayari? Bakit nandito ako? Bakit siya nandidito?

Lalo akong napanganga ng halikan niya ako at sinabing tumayo na ako para kami ay mag-almusal. Sabay buhat sa batang nakangiti pa rin sa akin.Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makalabas sila ng pinto. Di ako makapaniwala sa mga nangyari. Naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan. Ang labo. Habang umiikot ang mata ko sa apat na sulok ng kwarto, ramdam ko ang daloy ng dugo sa loob ng katawan ko. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Marahang nililipad ng hangin ang maputing kurtina. Ang kalmado ng paligid. Parang lahat perpek. Maliban sa akin.Napalingon ako sa mesa sa gilid ng kama,nasa plorerang babasagin ng paborito kong lilak na bulaklak, muntikan akong hinimatay sa katabing litratong nakita ko.

Pumikit ako ulit. Nakiramdam, naghintay nang ilang saglit at dahan-dahan dumilat.

Gising na ako.

Paano nga kaya kung may genie na makadaupang palad ako na ibibigay ang kahit anong hihilingin ko gaano man ito kaimpossible. Yung pwede niya ako dalhin sa mundong binubuo ko sa mga pangarap at panaginip ko. Yung ipaparanas sa akin ang pantasya ko walang labis,walang kulang. Tapos ang kundisyon lang ay kung mananatili ako at kakalimutan ang kasalukuyang buhay ko o babalik sa totoong buhay ko.

Sa dami ng nangyari sa buhay ko, sa mga napagdaanan ko, sa mga taong nakilala at nakasalamuha ko, sa mga problemang pinapasan ko,sa mga gabing wala ko magawa kundi umiyak, sa mga desisyong ginawa ko, sa lahat ng panghihinayang, sa lahat ng pagsisisi…kung mabibigyan ako ng pagkakataon na maranasan ang buhay na gusto ko,na makasama ang mga taong gusto ko

I WILL STAY THERE…

“The person I am now, compared with the person in the dream, has been baffled and defeated and only supposes he enjoys a full life. In my dream, I see what a full life really consists of, and it is not what I really have.”
— Philip K. Dick

Late na pero nakakahabol din… (October 2009 Favorite) Nobyembre 20, 2009

Posted by dhyoy in Kaibigan, Kayamanan, Wala lang, may connect, muni-muni.
Tags: , , ,
2 comments

Nagagalit ako! Nobyembre 18, 2009

Posted by dhyoy in Shuhada!, abroad, trabaho.
Tags: , ,
52 comments

Lumalabas ako ng bahay bitbit ang sarili ko, baon-baon ang kakarampot na katinuang natitira sa pagkatao ko at hawak ang isang porsyentong pag-asa na magiging matiwasay ang buong araw ko. Ngunit subalit nakakabwisit na shit na malagkit nasa bus pa lang ako unti-unti ko nang nararamdaman ang pagwawala ng mga tornilyo sa utak kong laging sabog. Lechugaspunyemasbarabashestas na traffic yan dalawang oras akong napanis sa pagkakaupo sa bus! Di bale sana kung pagbaba ko ng bus ay nandon na sa pagmumukha ko ang impyernong kinasasadlakan opisinang pinapasukan ko sa araw-araw. Pero hinde eh… kailangan ko pang maglakad ng kinse o dalawampung minuto at depende pa yun sa timpla ng mood ko kung kekendeng ba o kekembot ako.

Ang nakakasama pa ng loob at balakang jan pagdating mo sa impyerno opisina di ka pa nga nakakaupo maririnig mo na ang pagngawa ng nakakapraning na telepono na kahit nasa bahay na ako ay kumikiriring pa rin sa tenga ko. At sa oras na may tawag para sayo pihadong sasakit ang bangs mo! Lahat sila URGENT! Parang a matter of life and death! Wala kang karapatang tumanggi kasi nga daw URGENT! Kaya pati paglilipgloss ko naisasantabi lalong-lalo na ang pagwiwi! Tapos pagkatapos ng sapilitang pagkumbinsi mo sa sarili mo na kailangan mong huminahon para maisakatuparan ang mga pesteng yawang hiling ng mga kliyenteng sarap pagbabamboohin sasabihin sayo ang nakakapagpantig tengang linyang ganito “please cancel it, sudden changes has been made“. Hindi ba nakakaaning?

Sasabayan pa ng isang impakta na kapag sumalampak sa upuan niya ay awtomatikong madidikit ang pwet niya dahil hindi makatayo at halos mapigtas ang litid ng lalamunan sa kasisigaw ng kung sino-sinong pangalan para lapitan siya para mag-utos na parang reyna. Punyeta sarap sigawan ng “MANAHIMIK KA!”. Hindi gamitin ang extension ng telepono, nakakairita. Doble ng sahod ko ang kinikita ganon lang ang ginagawa nakakaimbyerna!

Tapos biglang magdadatingan pa ang mga hinayupak na mga ninjatartols na kung makautos ay daig pa ang Diyos. Yung isa may ipapahanap. Yung isa may ipapatype. Yung isa naman may ipapaprint. Tpos yung isa may ipapaedit.At yung isa may ipapagawa tapos nagtinga lang ata ay biglang babalik at itatanong kung tapos na. Nasaan ang HUSTISYA?!

Tapos tatawagin ka ng amo mo bakit daw di pa tapos yung pinapagawa niya sa akin. Paano ko matatapos yun eh di ko na nga alam kung anong aatupagin! Dapat daw kasi inuuna ko yun dahil URGENT yun! Tinamaan ng lintek na magaling ang sarap kulutin ng panot niyang ulo! Hindi ka na nga kumain! Masasabon ka pa! Hindi ko trabaho tinatrabaho ko!Tapos sasabayan pa nang pagbuhos ng sandamakmak na istorbo, paano ko pa matatapos ang trabaho ko!Sabihin nyo!!! Hindi ba niya alam kung gaano na kagulo ang buhok ko? Jusko po oo! Ang ganda niyang i-camehame wave!

Nakakainit ng bunbunan!Nakakaubos ng lakas! Nakakaubos ng pasensiya.Nakakalagas ng buhok! Nakakataas ng dugo!Nakakaubos ng bait!

Nakakawasak ng utak!

istorbo Nobyembre 17, 2009

Posted by dhyoy in Parang adik lang!, Random Tots, Senti ba ito?, Shuhada!, Usapang heart, You mean ang ibig mong sabihin ang importante ay mahalaga!, ano daw, walang kwentang entry!, yume.
Tags:
16 comments

Iniistorbo: hang saket ng ulo ko

Iniistorbo: hays

Nangiistorbo: ako puso ko

Nangiistorbo:

Iniistorbo: awts ehhe

Iniistorbo: batet naman

Nangiistorbo: nakita ko kasi yung pic ng bunso niya nanganak na naman asawa niya

Iniistorbo: awts..

Iniistorbo: ok ka lang..

Iniistorbo:: paano mo nakita?

Nangiistorbo: sa friend ko

Nangiistorbo:

Iniistorbo: hmmm

Iniistorbo: gusto mo pa malaman nangyayari sknya

Nangiistorbo:

Iniistorbo:

Nangiistorbo: bati naman kasi kami non eh

Iniistorbo: un naman pla

Iniistorbo: frends pala kayo

Nangiistorbo: hindi kami fwens

Nangiistorbo: hahaha

Iniistorbo: oh..

Nangiistorbo: hang gulo ko

Nangiistorbo:

Iniistorbo: hmmm..

Iniistorbo:: aus lang yan..

Iniistorbo:: be happy for them na lang

Iniistorbo:: darating din ang mr.right mo ..

Nangiistorbo: hahaha wala na

Nangiistorbo:

Iniistorbo: meron yan..

Iniistorbo: maniwala ka lang

Iniistorbo: malay mo mag dilang anghel ko

Iniistorbo:

Iniistorbo:

Nangiistorbo: hahahaha

Nangiistorbo: akswali hindi na ako umaasa

Nangiistorbo: kasi nameet ko na si mr right

Iniistorbo: wow..

Nangiistorbo: noon..

Iniistorbo: hu’s that ?

Iniistorbo:

Iniistorbo: sino si mr.right na sinasabi mo?

Nangiistorbo: siya hahahaha

Nangiistorbo: naloloka na ata ko

Nangiistorbo:help

Iniistorbo: sino na nga po

Iniistorbo: hehe

Iniistorbo: paano kita matutulungan

Iniistorbo:

Nangiistorbo: take me back

Nangiistorbo:

Iniistorbo: tara dito ka dali

Iniistorbo: tapos talikuran tayo

Iniistorbo:

Iniistorbo: joke lang..

Iniistorbo: makakaya mo rin yan

Iniistorbo: magiging maayos din ang lahat..

Nangiistorbo: alam mo yun

Nangiistorbo: haha para lang akong tanga

Iniistorbo: ano ba nararamdaman mo sa ngayon ?

Nangiistorbo: uhmmm yung totoo?

Iniistorbo: uu yung totoo?

Nangiistorbo: im happy for him

Nangiistorbo: pero

Iniistorbo: may bitterness?

Nangiistorbo: may hope ako na someday

Nangiistorbo: pwede ulit kame

Nangiistorbo:

Iniistorbo: ganyan talaga ..

Nangiistorbo: someday hahaha

Nangiistorbo: kelan yon

Nangiistorbo:

Iniistorbo: pero wak na kaw asa

Iniistorbo: mas lalo kang di makaka move on..

Iniistorbo: lalo na may pamilya na pala sya

Iniistorbo: ok lang sana kung wala pa

Iniistorbo: pwede ka pang mag expect..

Nangiistorbo: yun lang nararamdaman ko

Nangiistorbo:

Iniistorbo: sabi sayo darating din si mr.kupido haha

Iniistorbo:: ganyan talaga

Iniistorbo: natural lang yan

Nangiistorbo: haha nung pinana ako lasheng ata si kupido

Nangiistorbo:

Iniistorbo: haha

Iniistorbo: loko talaga si kupido

Nangiistorbo: sablay weh no

Iniistorbo: sablay

Nangiistorbo: ang sarap panain

Nangiistorbo:

Iniistorbo: malay mo dis time

Iniistorbo: ok na si kupido

Iniistorbo: o kaya si **** ang mag hanap sayo

Nangiistorbo: hindi niya ako mahahanap

Nangiistorbo: nakshield ako

Iniistorbo: naka shield ba

Iniistorbo: hang lupet hehe

Iniistorbo:

Nangiistorbo: hahaha

Nangiistorbo: nakapreserve

Iniistorbo: naks ehehe

…the end

Inistorbo lang kita! Nyahahaha…

Ok na ako! Nobyembre 15, 2009

Posted by dhyoy in Shuhada!, walang kwentang entry!.
Tags: ,
47 comments

…weno ngaun?!

Priceless… Nobyembre 13, 2009

Posted by dhyoy in Kaibigan, Life goes on..., Random Tots, pangaraw-araw, regalo, wish.
Tags: , ,
35 comments

Minsan para kang kabuteng di mapakali sa pagpili ng kung anu-anong butingting,bling-bling at burloloy na isasabit sa katawan mo na swak sa outfit mo. Di ka magkadaugaga kung maglalagay ka ba ng scarf o kaya cap,kung mas bagay ba ang gold o silver na hikaw, bracalet na maingay o relo,magkikwintas ka ba o kung pupunuin mo ba ng singsing ang sampung daliri mo.

Haweber, may isang accessory na magfifit in sa kahit anong bonggang-bonggang outfit o okasyon na dadaluhan mo.(pwera lang kung ikaw ay nasa lamay) Simple gatherings, parties, date o eyeball o engrandeng pagtitipon man yan sa labas ng Big Brother house! Shoot sa banga iyan!

Mas mukha kang kaaya-aya at saka mas attractive ka kapag suot mo lagi yun. Nakakadagdag ng sex appeal!It is warmer than any sweater, a more beautiful complement to your attire than any handbag, and worth more than thousands of dollars in jewels,walang binatbat ang diamond necklace at earrings ni Annabel Rama!

Di naman yun mabigat dalhin, pero bihira mong makita yun sa panahon ngaun.Marami sa atin ang nakakalimutang isuot yun dahil na rin sa stress, sa pagod at sa sandamakmak at sunod-sunod na problema. May mga brokenhearted, may mga di nakapasa sa isang major subject. May mga naiwan ng bus at pinagoovertime nang walang bayad. May mga natalo sa pustahan. Alam ko marami kang iniisip, at nahihilo ka na sa dami ng gagawin na hindi mo alam kung paano uumpisahan. Naaburido ka na rin sa paligid mo, nauuta sa paulit-ulit na mga kaganapan sa araw-araw. Alam ko busy ka.

Pero pwede bang hiramin ang isang minuto mo? Isang SMILE naman jan oh!

Smile1Min

We are so busy with our daily issues and problems, that we forget to live. To live and to enjoy our lives, to share our happiness, to see the beauty of the world. We grow older and we forget to smile.Sa darating na December 08, 2009, 8PM Manila Time,let’s forget all these unimportant things that make us so “busy and gloomy”. Let’s become honest and sincere, let’s open our hearts Share your smile:) Enjoy and be happy!

LordCM salamat sa ngiti! Pinapasa ko ang smile ko sa lahat ng makakabasa nito. Kapag natanggap mo… pass it on!

I've never seen a smiling face that was not beautiful.
Smile know no languages; people from every culture and background will recognize the meaning behind the expression. Without uttering a single word, you have the opportunity to convey a greeting and well-wishes to someone who needs them.

Tapos na ko maglinis ng cabinet. :lol:

Kinuha ang larawan nang walang paalam sa flickr.com

palag ka? Nobyembre 11, 2009

Posted by dhyoy in Acceptance, Decision Making, Ever After, Kaibigan, Kayamanan, Kumplikadong Complicated!, Lablyp, You mean ang ibig mong sabihin ang importante ay mahalaga!, hidden message, isapuso ang lyrics, may connect, read between the lines.
Tags: , , , ,
58 comments

May expiration daw ba ang love?

May sumagot na depende.
…depende sa ano? sa sitwasyon? sa resources? sa involve?sa level?

May sumagot din na kapag true love…WALA
…kung hindi true malamang false, so sa umpisa pa lang wala ng love,ano ang mageexpire?

Sabi ko nga hindi naman nag-eexpire yun, siguro minsan tumatabang lang at nag-iiba ang timpla… minsan kasi yung hinahanap niyang lasa natagpuan niya sa iba, siguro nagkulang ka sa paglagay ng asukal at nasobrahan naman sa pagbudbod ng paminta. Sayo ayos na yung lasa pero sa kanya hindi pa. Kaya dapat mejo tinatanya mo. Dapat yung swak sa panlasa nyo,hindi sa panlasa mo.

Minsan naman ayaw mo na kasi malamig na. Gusto mo sanang initin kaso di mo tinuloy kasi feeling mo panis na, hindi pa pala… Inamoy mo muna sana kasi sayang naman diba?

Pero sabi ng iba nakakauta rin kung paulit-ulit. Nakakasawa.Parang minsan gusto mo nlng din mag try ng iba kaya dmo na inaasikasong initin pa.

Kung kulang daw sa sahog hindi masarap, madaling pagsawaan…Mahirap minsan yung pwede na yan,mapagtitiyagaan na yan kasi kapag may inihaing mas masarap sigurado may dedmahang magaganap. Dapat may patience, happiness, gentleness,gratitude,freedom, loyalty,TRUST, kindness, understanding, selflessness, and attentiveness. And do not forget to add some magic to make it hot. :) Ok kapag natural…iwasan ang preservatives para healthy ang relationship, no calories para iwas excess baggage… at para good sa heart.

black-and-white_romance

For some, love is respect; for others, love is adoration; but for many, it is simply understanding – the understanding of where the other is coming from and where they are going.Love by itself cannot last forever; it needs to be rekindled from time to time. Without both parties working toward the same goal,love will eventually wane.Love, in its most optimistic form, is boundless – able to forgive even the worst of sins. Unfortunately, optimism can only take a couple so far. It’s up to them to decide how far THEY can take the relationship.-Josh Levinstone